ngayon na

Dahil nag-shower ako bago matulog kagabi, at walking distance lang naman mula sa bahay namin ang polling precinct – bumoto ako nang hindi pa naliligo. PARA SA BAYAN!

* * *

Pero seryoso, sa haba ng pila (nasa eskwelahan na kami ng kapatid ko ng alas-7, at trenta katao na yata ang nauna sa amin), sa dami ng tao, sa bagal ng pag-usad ng mga botante (sampu-sampu lang ang pwedeng bumoto sa loob ng classroom, at ‘yung iba sa kanila ‘dun lang yata mismo nag-isip ng mga ise-shade na pangalan anobaaa), eh pagpapawisan at pagpapawisan ka rin. Kalbaryo, ‘te. Grabe ‘yung init. Isang oras din kaming naghintay, buti mabababait ‘yung mga nakasabay namin.

Tinanggap naman ng PCOS machine sa unang try ‘yung balota ko, so hindi na ako masyadong na-stress (kahit kinabahan ako noong una dahil tumatagos ‘yung marker sa likod ng balota – punyeta, nakaka-OC).

Pero ang init talaga, akala ko hihimatayin na ako. Hindi na ako nakakain sa bahay bago lumuwas ng Makati dahil hindi ako mapakali; naligo ako agad-agad. ANG INEEEET. Wala pa mang tanghali pagod na pagod na pagod na ako. :-|

Pero ayun, nasa opisina na ako, nakaligo na ulit. Imposible sa bansang ito ‘yung isang beses lang maligo sa isang araw.

Sana mabilang naman ‘yung boto natin. Bunga ‘yun ng hirap at pawis natin, ‘no. LITERAL.

Eh ikaw, kumusta ka naman?

Advertisements

One thought on “ngayon na

  1. Pingback: 2010, year in review « sungazer

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s