noli me tangere and zombies

510xxfxxxgl_ss500_

Oh, I’m sure you’ve heard of Seth Grahame-Smith and Jane Austen’s Pride and Prejudice and Zombies.

But have you heard of Carlos Malvar and Jose Rizal’s ‘Wag ‘Mong Salingin Ang Mga Patay (in progress)?

Noli Me Tangere and Zombies, bring it! (I don’t have a picture to accompany this because I suck at Photoshop.)

Click on the link to read/download the first chapter. It begins:

Nang gabing ang mundo’y magwakas ng tuluyan, abalang-abala ang mga tauhan ni Kapitan Santiago sa paghahanda ng piging. Ang piging ay isang pagsa-salo-salo na inaalay para sa isang panauhing pangdangal, isang santo, isang okasyon ng pagdiriwang, o kahit anong chorva lang. Ang chorva ay isang salitang hindi pa naiimbento ng mga panahon na yun sapagkat masaya na ang mga tao sa pag-gamit ng salitang “kwan” at “ano” upang ipabatid sa kanilang mga kausap ang mga bagay-bagay at konseptong hindi mabigyang hugis ng kawikaan. Masaya na sila sapagkat yun ang sabi sa kanila ng mga establisyamentong nangangalaga sa paggamit ng mga kawikaan.
“Bonggang-bongga ang piging ngayong gabi, Manang Flora!” sabi ng dalagitang si Ningning na nagtatadtad ng mga patatas. Si Ningning ay mahilig mag-imbento ng mga salita tulad ng “bonggang-bongga” at “dilemma” sapagkat hindi siya nakapag-aral sa unibersidad.
Kinurot ni Manang Flora ang tagiliran ng dalagita. “Huy, Ningning! Ano ba yaong pinagsasabi mong mga salita? Bilisan mo sa paghihiwa ng mga patatas at nang maluto na sa kumukulong mantika. Ilang minuto na lamang at magdaratingan na ang mga bisita.”
“Kung Ano Man, Manang!” sambit ni Ningning sabay senyas ng letrang ‘Ka’ gamit ang kanyang mga daliri. “Alas-sais y medya pa lamang! Hindi ba’t ang imbitasyon ay para sa ika-pito pa ng gabi? Sa palagay mo ba’y darating ang mga inimbitahang panauhin sa tamang oras?”
“Kungsabagay,” sabi ni Manang Flora. “Asa pa tayong sisipot ang mga yun. Malamang ay magpapamalas pa sila kung sino ang pinakaimportante sa lahat sa pamamagitan ng pagpapahuli upang paghintayin ang iba.”
Naghagalpakan ang dalawa sa katatawa.
“O, Da Ka!” hirit ni Ningning. Madalas siyang mapabunghalit ng “O, Da Ka!” simula nung nahabaan siya sa kasasambit ng “O, Diyos Ko!”
Hindi nagkakamali ang dalawa sa pagaakalang magpapamalas ng kani-kanilang importansya ang mga naimbitahang panauhin. Pagsapit ng alas-siete, kung kalian ang mga bisita’y dapat nagsisipagdatingan na, mag-isa pa ring nagpapaypay ng kanyang abanico sa sala si Tiya Isabel na kapatid ni Kapitan TIyago.

First heard from Crystal Koo’s tweet. Posted by J. Rizzle. Says he: “Ang hindi marunong lumingon sa sariling wika ay soshal. (And malansang isda too)” and “Are we human, or are we Sex Bomb Dancers?”.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s