ang mga kaibigan ni mama susan

Tuesday, March 2, 1999

8:58 am. Kagigising ko lang. May mga ginupit sa ‘king buhok na ipinatong sa kama ko at pinalibutan ng mga butil ng asin. Hindi magbibiro ng ganito sila Niko.

Matagal-tagal na rin noong huli akong magbasa ng libro ni Bob Ong (isang manunulat na hanggang ngayon ay nananatili pa ring misteryoso: walang pangalan, walang picture, walang interview). Tuwang-tuwa ako sa una niyang akda, ABNKKBSNPLAko?! Non-fiction daw, pero dahil nga hindi pa rin siya nagpapakilala, maaaring kathang-isip lang rin lahat iyon. Alam ko nabasa ko rin yung (ilang) mga sumunod, pero wala silang naging impact sa akin. Siguro natawa rin ako, na-touch, etc. pero mukhang hindi sila kasing-memorable noong unang libro, na walang kaere-ere at gusto lamang mag-kwento at hindi mangaral. Sabi ng kapatid ko maganda rin daw ang McArthur, pero wala akong ganang basahin yun, maski na may kopya sa bahay.

Noong inanunsyo na horror o katatakutan ang susunod na libro ni Bob Ong, nagka-interes ako, pero nagduda rin. Kaya ba niya? Matatakot ba ako? Baka kung anong ka-cliche-han na naman ito, baka mangangaral lang tungkol sa Diyos at Simbahan.

Wala akong nabasang rebyu ng Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan kahit saan, print man or online. Kaya’t nagulat ako nang makita ko na diary-style pala ang nobela, at naka-set sa 1998-99. Binata ang narrator, college student. Kuhang-kuha naman ni Bob Ong ang paraan ng pagsasalita (at pagsulat marahil) ng isang lalaki sa ganoong age range. Gaya nga ng sabi ko sa Facebook, nakakatakot na, dahil ka-boses niya ang mga kapatid kong lalaki. Haha.

Subtle lang ang katatakutan sa simula: nanaginip siya ng babaeng itim, nagigising ng alas-tres ng umaga, naririnig ang phone na nagri-ring pero pagsagot niya, wala namang tao sa kabilang linya. Mababaon ang katatakutan sa simula ng kwento sa mga kalokohan. Nagsusulat siya ng rap lyrics, nagrereklamo sa pag-ibig, sa mga utos ng tiyahin niya, sa kabagutan, sa kawalan ng pera. Maganda ang pacing. Kahit nung nakarating na siya sa bahay ni Lola (Mama Susan), hindi pa rin nagmamadali si Bob Ong. Unti-unti, hanggang sa paglabas ng mga sikreto, hindi ka na bibitiwan ng nobela.

Buo naman ang karakter ng bidang lalaki. Masasabi ko iyon dahil nagawa kong maawa sa kanya, lalo na nung pumatak na ang Marso 1999 sa kwento at naisip niyang sem-break na! Naalala niya ang mga kaibigan niya at mga pinsan na naiwan sa siyudad. Ang bababaw ng mga problema nila! At nagsimula siyang lumuha at magsisi.

Dapat nga ay hindi na siya umalis ng Maynila.

The Mighty Reading List!

Feast for Crows

The Kobayashi Maru of Love

Showbiz Lengua

PGS Horror issue

Floating Dragon

El Bimbo Variations

The Tesseract

Faithful Place

Moxyland

Zoo City

The Dispossessed

Our Story Begins

Glass Soup

Here on Earth

The Pull of the Moon

Little Bee

Story Quarterly Issue 44

The Bell Jar

Philippine Speculative Fiction 6

Pacific Rims

Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan

2 thoughts on “ang mga kaibigan ni mama susan”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s